Tulong naman...

Happiness is a choice.
Kahit ano man ang trabaho mo, kahit sino pa ang kasama mo, kung gugustuhin mong sumaya, sasaya ka. Pero may mga pagkakataon na kahit anong pilit mo sa sarili mo, para bang pinagkaisahan ka ng buong mundo sa pagbibigay ng mga bagay na makakapagpalungkot sa yo.
Masarap gawin ang isang bagay kung meron kang pinag-aalayan ng iyong tagumpay, o kaya naman ay alam mong may karamay ka kung ika'y mabigo. Sapat bang magtagumpay mag-isa? Sasaya ka nga ba kung ikaw ang magiging pinakamagaling, ikaw ang nasa itaas, pero wala ka namang kasama?
Ano nga ba ang dahilan kung bakit ka nagtatrabaho? Gusto mo bang yumaman? Gusto mo bang sumikat? O wala ka lang talagang magawa? Paano kung ang presyo ng ginagawa mo ngayon o pinaplano mong gawin ay ang unti-unti mong paglayo sa mga mahal mo sa buhay? Tutuloy ka pa rin ba?
Bakit nga ba hindi na tayo masiyahan sa kung ano ang meron tayo? Bakit patuloy tayong naghahanap ng magpapasaya pa lalo sa atin? Ganito ba talaga ang pagkakagawa sa ating mga tao?
Bakit sinasaktan natin ang mga nagmamahal sa atin, habang hinahayaan nating saktan tayo ng mga taong mahal natin ngunit hindi tayo mahal? Ang nakakatawa pa, hindi natin mahal ang nagmamahal sa atin dahil may mahal tayong iba na hindi naman tayo mahal dahil may mahal silang iba na hindi naman sila ang mahal... Ang gulo noh? Iilan lang ba ang kakilala kong nagtagpo na talagang mahal ang isa't-isa? O posible nga ba talaga ito? Karamihan ng mga kakilala ko ay natutunan na lamang mahalin ang mga karelasyon nila.
Happiness is a choice... Anak ng pusang ligaw... Sino ba ang ayaw sumaya? Saan ba tayo nagkakamali? Sa happiness ba o sa choice? Ah ewan...

Comments

pAuLiNe said…
ang lalim nito ah! hahaha!! mukhang problemado ka. i just saw your bulletin, i was so happy to see my name there. naks! =D you know life is complicated, u have your ups and downs. but life is too short for you to think of these things! just take it day by day! enjoy life mon! there's a right time for everything.
take care! =D muah!
MaRiA said…
ha..ha..mon seriousness nmn ang drama ntn tol ah!nakarelate aku sa blog mu..u'r ryt ..human beings will nvr be contented in what they hav..maski anung gawin ntn we will aim for sumthing more..more & more.maybe it's human nature to improve on rselves & to maximaize r full potential..hanggang sa marating ntn ang rurok ng tgumpaY (naks!). abt nmn dun sa di k mhal ng taong mhal mu dhl my mahal cyang iba at d nmn cya mahal ng taong mahal nya...hay naku mgulo tlga yun!..actually,we're not letting the one we love (who doesn't love us) to hurt us..nagpapakatanga lng tyo..its innate in us kc to hope na eventually they'll love us too..umaasa p tayo..tingnan mu yung lotto...bkt ang daming nhuhumaling tumaya dun?..db nagbabakasali n bka manalo...ganun din sa love nagbabakasakali n baka mahalin din tayo..the downside is nakakapagod..pra kang nasa edge ng cliff..d mu alam kung tatalon k n w/c is pbbyaan mu n lng yng feelings mu & u'l just let it go..or mghihintay ka pa rin dun..haayyy..yoko ng ganyang feeling..kpagod!!!

Popular posts from this blog

Thirty One Years Ago

My Final Fantasy III