Switch Audit

Sa wakas... Nakarating din sa hotel...

Miss, may reservation ako. Ah ok, room 103... San pala yun?

Excited na ko sa kwarto ko! Hmmm... Miss, mali yata yung nabigay nyong kwarto. Mukhang isang buwan nang gamit yung comforter na nasa kama. Ah ganun ba? Style pala yun para magmukhang "luma" yung ambience... Hanep! Ang galeng, pati amoy kuhang-kuha! Buti na lang class tong napasukan kong hotel!

Hmmm... makalabas na nga muna ng kwarto para makahanap ng kakainan.

*bukas ng pinto*

Uy, si manong palabas din ng kwarto nya. Mukhang bagong bihis, inaayos pa yung pantalon habang lumalabas e. Bakit kaya parang pagod sya? Bahala na nga sya, basta ako gutom na...

*labas ng hotel*

Hmmm... San kaya ako makakakain ng mura pero masarap? Aba, mukhang ok dun sa eskenitang yun a... Palagay ko mura lang mga kainan dun...

Teka, bakit ang daming ilaw dito, hindi naman Pasko... At bakit ang daming foreigner, wala namang magandang tanawin dit---aaaaaayuuuuun naman pala e... Meron pala... At mukhang may celebration ha, may mga deflated balloons pa sa kalye... Ay... hindi pala... lobo...

Ang hirap naman maghanap ng kainan dito. AH! May tinext nga pala si Bok sa kin na number. Itext ko daw pag gusto kong kumain. Teka, asan na nga ba yun... hmm... ayun... olive... angeles... Ayus ah, kapangalan pa nya tong lugar...

*Dial*

Your number cannot be completed as dialled. Please check the number, then dial again.

Tsk tsk tsk.. Sayang naman! Kala ko makakakain na ko ng masarap! Mag-Jollibee na nga lang ako...

*Burp*

Sarap ng kain ko... makabalik na sa hotel. Daan ulit sa eskenita.

Hmmm... Pansin ko lang, kapag may hotel, maraming drugstore sa paligid. Bakit kaya? Madalas siguro magkasakit mga nagtatrabaho sa hotel. Kawawa naman sila.

Bukod sa drugstore, marami ring pawnshop sa paligid ng mga hotel. Palagay ko sa hotel kasi nakatira yung mga may-ari at nagtatrabaho sa pawnshop...

Comments

Popular posts from this blog

Thirty One Years Ago

My Final Fantasy III