Posts

Showing posts from March, 2010

MRT conversations

Sobrang ayaw kong mag-MRT noon. Sobrang siksikan, mainit, maingay. Lalo na pag natapat ka sa pintuan ng tren. Para kang na-gang rape sa bawat istasyon. Oo, nababasa ko ang isip mo. At hindi ang sagot ko -- Hindi pa ako naga-gang rape. "Hyperbole" ang tawag dun. Parang pag sinabi mong "ang init naman dito, parang impyerno". Hyperbole yun. Pwede ring "ang ganda talaga ni Anne Curtis, para syang isang anghel". Hyperbole na naman. Pero pag sinabi kong "Ang pogi mo naman", sarcasm naman yun. Mabalik tayo sa usapan, sa MRT, lahat ng uri ng tao makakasalamuha mo. Babae, lalaki, matanda, bata, may ipin o wala. Meron ding mataba, payat, mabango, at may BO. Sobrang nakaka-inis yung mataba na may BO pa. Nasisiksik ka na nga, tinotorture pa ang ilong mo all the way. Pero simula last year, hindi ko na kinasusuklaman ang MRT. Sobrang saya ko na nga ngayon pag sumasakay ako dun. Kasi hindi na "ako" ang sumasakay. Sumasakay na "kami". Hindi k...