I fell in love with an angel

Kahit gaano mo na katagal kakilala ang isang tao, mayroon at mayroon ka pa ring malalamang bago tungkol sa kanya. Ang pagkilala sa isang kaibigan, kapamilya, o maging kaaway, ay isang pang habang-buhay na adhikain. Kung tatanggapin natin ito bilang katotohanan, mamarapatin nating tanging ang taong alam nating makakasundo natin ang ating pipiliin upang maging kabiyak ng ating buhay.

Sa maiksing panahon na nakilala ko sya, masasabi kong nahanap ko na ang nais kong makasama sa habang panahon. Paano ako nakasisiguro? Kasi sa bawat bagong natututunan ko tungkol sa kanya, lalo lamang nag-aalab ang damdamin kong walang ibang sinasambit kundi ang ngalan nya. Bawat nakakatuwa at nakaka-inis na gawi nya ay nagsisilbing gasolina na nagpapatakbo sa aming relasyon na may surpresa, kasiyahan, at mga aral na matututunan. Higit sa lahat, ano man ang pagdaanan ko sa buong araw, iisang bagay lang ang makakapag tapos nito sa isang mabuting paraan -- ang makausap sya.

Sa pagsasara ng araw na ito, aking babalikan ang isang buong taon na naging mahalaga sa aking buhay. Hindi man ito puros saya, masasabi ko pa rin sa aking sarili na bawat segundo nito ay aking pahahalagahan at itatago sa kaibuturan ng aking puso. Ang mga pangyayaring na to ang tumulong upang mabuo ako. Sila ang nagbigay sa akin ng hindi matatawarang karanasan na dadalhin ko sa aking pagtanda. At higit sa lahat, ang mga pangyayaring ito ang nagbigay sa akin ng isang anghel dito sa lupa na muling nagpaliyab sa apoy ng aking damdamin.

Comments

Jen said…
aawwww!!!! you haven't lost your touch my dear! ang galing mo pa rin talaga gumawa ng mga blogs na ganto. keep 'em coming! hehe..

as this very important day ends, i would like to tell you, and i will never get tired of telling you, that i love you so much. always and forever!

Popular posts from this blog

Thirty One Years Ago

My Final Fantasy III