Posts

Showing posts from January, 2011

101

Inggitero ako. Habang binabasa ko yung mga luma kong posts, narealize ko na pwede akong mag-associate ng isa o higit pang emotion sa bawat blog ko. Pwedeng depressed, elated, o lonely. Pwede ring desperate o kaya angry. Ngayon, dadagdagan ko ng isa pang emotion ang aking pagba-blog -- inggit. Marami akong bagay na kina-i-inggitan -- mga mamahaling game consoles, artistic talents (e.g., drawing, dancing, singing), at matatalas na pag-iisip. Sa maraming tao, ang inggit ay isang masamang emosyon. Katunayan, isa ito sa seven deadly sins. Para sa akin, hindi naman masamang mainggit. Sa totoo lang, maari pa nga itong makabuti sa yo. Nagiging masama o mabuti lang naman ang inggit (tulad ng kahit anong emosyon) depende sa magiging reaksyon mo sa naramdaman mo. Kung dahil sa inggit ay natulak ka upang mag-isip o gumawa ng masama (e.g., magnakaw, magsinungaling, pumatay), obviously hindi ito nakabuti sa yo. Pero hindi lang naman mga grabeng kasamaan ang pwedeng idulot ng inggit. May mga simpleng...