101

Inggitero ako.

Habang binabasa ko yung mga luma kong posts, narealize ko na pwede akong mag-associate ng isa o higit pang emotion sa bawat blog ko. Pwedeng depressed, elated, o lonely. Pwede ring desperate o kaya angry. Ngayon, dadagdagan ko ng isa pang emotion ang aking pagba-blog -- inggit.

Marami akong bagay na kina-i-inggitan -- mga mamahaling game consoles, artistic talents (e.g., drawing, dancing, singing), at matatalas na pag-iisip. Sa maraming tao, ang inggit ay isang masamang emosyon. Katunayan, isa ito sa seven deadly sins. Para sa akin, hindi naman masamang mainggit. Sa totoo lang, maari pa nga itong makabuti sa yo. Nagiging masama o mabuti lang naman ang inggit (tulad ng kahit anong emosyon) depende sa magiging reaksyon mo sa naramdaman mo.

Kung dahil sa inggit ay natulak ka upang mag-isip o gumawa ng masama (e.g., magnakaw, magsinungaling, pumatay), obviously hindi ito nakabuti sa yo. Pero hindi lang naman mga grabeng kasamaan ang pwedeng idulot ng inggit. May mga simpleng salot din itong nadudulot sa isang tao - pagkasira ng relasyon, pagkawala ng kaibigan, o pagiging depressed.

Pero kung ang pagka-inggit ay naging mitsa sa yo para magsumikap at makamtan ang mga kinaiinggitan mo, mabuti naman para sa yo. Ngunit kailangan mo pa ring pag-ingatan na sa iyong pagkamit ng mga bagay na to, hindi mo ito gamitin upang makasira ng ibang tao, o ng iyong sarili. Nandito na yung pagmamayabang at pangmamaliit sa ibang tao na kung tutuusin ay kaparehas mo lang din naman bago mo makuha ang iyong kina-iinggitan.

Lahat naman ng tao, sa iba't-ibang punto ng ating buhay, may kina-inggitan at nagnais na ka-inggitan. Ang mahalaga, naging totoo ka sa iyong sarili na walang tinatapakan at inaagrabyadong ibang tao.

PS.

Ang post na ito ay bunga ng aking pagka-inggit sa napakagandang blog ng mahal kong kambal. =)

Comments

churchovdeath said…
naiinggit ako!
riyaldobaldemor said…
digs!

Popular posts from this blog

Thirty One Years Ago

My Final Fantasy III