Susephya Yanib
Image from http://www.easyvectors.com/ Meron kang kasambahay. Ang pangalan nya ay Susephya Yanib. Napakagaling nitong kasambahay mo sa kanyang trabaho. Dahil sa kanya, malinis ang sahig, maayos ang mga kagamitan, at masasarap ang iyong pagkain. Masayang masaya ka sa serbisyong natatanggap mo. Isang araw, bumili si Susephya ng isang "Wonder Walis" na nagkakahalagang Php2,800. Nang sumunod na araw, dumating ang iyong kaibigan kasama ang kanyang kasambahay. Tuwang tuwa sila sa iyong napakalinis at napakaayos na bahay. Nung tingnan nila ang Wonder Walis ni Susephya ay napansin nilang kaparehas ito ng walis tambo na gamit nila sa kanilang bahay. Pero yung walis tambo nila, Php500 lang. Nung nagpunta ka sa Department Store, nakita mo na ang presyo ng isang high-tech na vaccum cleaner ay Php2,500, mas mura pa sa Wonder Walis ni Susephya. Dahil dito ay nag-imbistiga ka ng iba pang mga binili ni Susephya. Ang toilet bowl sa inyong palikuran ay binili nya sa halagang Php32,400 ...