To See her Again

Paano nga ba masasabi ang nilalaman ng isang damdaming puno ng paghanga at pagsinta sa isang binibining kahit anong pilit ay hindi kailanman makakayanang abutin? Bakit nga ba hinayaan pang mahulog ang loob sa kanya, gayung kahit saang anggulo man tingnan ay wala talagang kapag-a-pag-asa. Sapat na ba ang makita ang kanyang matamis na ngiti, marining ang malamyos nyang tinig, malanghap ang bango ng kanyang mahabang buhok? Sa paglipas ng mga araw ay unti-unting nawawalan ng ulirat ang pag-iisip na walang laman kundi ang kanyang mala-anghel na mukha. Bawat salitang namumutawi sa mga labi ay nagsusumamong isigaw ang ngalan nya. Siya ang panaginip tuwing gabi at salamisim sa pagsapit ng umaga. Paano nga ba ipaaalam kung ngayon pa lamang ay nanghihina na... kinakapos ng hininga... kinakabog ang dibdib... hindi makapagsalita. Kinakailangan nga bang ilagay sa walang kasiguraduhan ang pagkakaibigang tanging nagbibigay ng buhay at sigla sa akin ngayon? At nararapat bang bulag-bulagang sundin ang takda ng kalinangang baluktot at wari'y hindi pinag-isipan? Hindi pa ba sapat ang lakas ng damdamin upang gapiin ang mga malabundok na hadlang sa aking nararamdaman? At pagdating ng takipsilim ng aking buhay, siya kaya ang kasama kong tatanaw sa mga masasayang alaala ng aming nakaraan? Sana nga.


Infinite Fate
March 27, 2007
7:53 PM
March 31, 2007
1:24 PM

Comments

doNnA aLoe said…
aba,,,inlove k???kaw ha d mo sinasabi,,,bad mo naman,,share k naman jan!!! AMEN!!!??? AMEN!!!??? heheh

Popular posts from this blog

Thirty One Years Ago

My Final Fantasy III