Hoy, Pinoy Ako!

Matagal-tagal na rin yung huling post ko dito, kaya ayan, kailangang pilitin magsulat ng bago para hindi naman masabi ni pareng friendster na napabayaan ko na sya. At dahil malabnaw ang utak ko ngayon, hindi muna ako mag pure English o pure Tagalog. Tag-lish naman... O Engalog... Kayo na bahala kung ano gusto nyo itawag.

Ano ba magandang topic ngayon? Hmmmm... Alam ko na! Napansin ko kasi na sa dinami-dami ng posts ko dito, ni isa wala pa akong post regarding sa politics at Philippine history. Few people know na mahilig akong makipagdebate at makipagkwentuhan tungkol sa mga topics na yan. These past few days kasi... este months... ay years na yata... nawawalan ako ng gana mag-update kasi hindi ko na nakakausap yung mga usual kaututang dila ko sa mga topics na yan (pareng victor at randy, nasan na kayo???).

Anyhow, ano nga ba masasabi ko sa kakarampot na kaalaman ko ngayon sa current events? Nanjan ang Cha-cha, political scandals, ang usual na balimbingan, reklamo dun, reklamo dito. So isa-isa lang muna...

TOPIC 1: Cha-Cha
Gusto ko lang ipahayag ang aking suporta sa balaking pag amyenda sa ating kasalukuyang Constitution. Unang-una, sabi nga ng aming guro sa Law noong nasa College pa ako, ang 1987 Constitution natin ay maituturing na isang "provisional" constitution lamang para sa isang "provisional" government noon na tinatag kapalit ng pamahalaang Marcos. Kung papansining mabuti, ang mga provisions ng 1987 Constitution ay direktang reaksyon sa karanasan ng bansa natin nung panahon ng Martial Law. In other words, masyadong nalimitahan ang scope at objectives ng ating kasalukuyang Constitution sa paniniguradong hindi na maulit ang nangyari noong Martial Law. Isa pa, masyado itong mahaba para sa isang Constitution na dapat ay naglalaman lamang ng core principles ng mga mamamayan ng isang bansa.

Isa sa mga nais kong palitan kasabay ng pag-amyenda sa Constitution ay ang sistema ng ating pamahalaan. Sa aking palagay ay mas nararapat ang Federal na anyo ng pamahalaan para sa ating culturally and geographically-diversed na bansa. Bukod sa malilipat ang kapangyarihan sa kanya-kanyang states imbes na sa isang central government, magagamit pa nating mga Pilipino ang ating natural na pagkaregionalistic para sa ating kaunlaran.

TOPIC 2: Political scandals
Ok, simulan natin sa ZTE Scandal... Saan, at ano nga ba ang mga mali dito? Unang-una, kailangan munang maging malinaw kung anu-ano ang mga paraan na meron ang ating gobyerno sa paghahanap ng mag-iinvest para sa mga projects nito.

Una, meron tayong RA 9184 o Government Procurement Act. Dito, dadaan sa mahigpit na bidding ang mga kumpanyang gustong mag-supply sa proyekto ng isang government body/department/establishment.

Ikalawa, ang Build-Operate-Transfer Law (RA 7718) kung saan ang isang private company ang magtatayo ng public infrastructure, tapos hahayaang sila ang mag-operate nun for a period of time para mabawi nila ang kanilang investment at kumita ng kaunti. Pagkatapos ng period of time na yun ay ita-transfer sa government ang ownership ng public infrastructure. Kaya lang, hindi ako sigurado kung pano pinipili yung private company na mag-iisponsor sa isang B-O-T project. Kung hindi ako nagkakamali, bidding pa rin yata yun.

Ikatlo, meron namang yung tinatawag na government-to-government negotiation. Dito, ang gobyerno natin ay makikipag-usap sa gobyerno ng ibang bansa tungkol sa isang project. Dahil ang magfifinance ng project na ito ay yung foreign government, natural lang na sila ang pumili ng contractor na mag-iimplement nung project.

Ang National Broadband Network Project natin na ipinagkaloob sa ZTE Company ay nabibilang sa ikatlong pamamaraan ng pag-iimplement ng isang public project. So ibig sabihin, NORMAL lang na walang bidding na mangyari. At dahil ito ay government to government negotiation, kung saan ang isang Chinese state-owned bank ang magpoprovide ng loan para sa project, ang Chinese government din ang namili ng contractor para dito. At dahil hindi naman ako maalam sa tamang costing ng mga presyo na nakalagay sa NBN project, mas maganda siguro kung pumunta na lang kayo sa website na to -->  http://www.yugatech.com/blog/telecoms/nbn-zte-project-a-closer-look/

TOPIC 3: Pulitika, at ang reaksyon ng mga Pinoy ukol dito

Para sa akin, mayroong tatlong uri ng Pilipino pag dating sa mga issue sa pulitika. Una ay yung mga welgista na makikita mo halos araw-araw nagmamartsa at nagwewelga, nagrereklamo at nagagalit. Tanungin mo kung ano maisa-suggest nilang solusyon, ang sasabihin nila e "Paalisin si Arroyo!". Pangalawa naman ay yung mga walang pakialam sa mundo. Alam nilang may issue, alam nilang may nangyayari, pero wala silang pakialam. Yung tipong "wala naman akong magagawa, bakit ko pa aalamin kung ano ang nangyayari?". Lastly, ang ikatlong grupo ay yung mga nakakarinig ng balita, inaalam kung ano ang nangyari, saan nagkamali, at ano ang maaaring gawin sa mga pagkakamaling ito. Nakakalungkot na iilan lamang ang nabibilang sa ikatlong grupo.

Hindi naman kasi dapat huminto tayo sa nalaman nating may mali. Kailangan meron tayong realization kung saan at bakit nangyari yung pagkakamali. tapos may action plan kung pano ito maiiwasan. Ang hirap sa atin, it's either hindi natin alam kung ano ang nangyayari, or hindi natin alam kung pano sosolusyonan ng maayos ang isang pagkakamali. Kaya nga paulit-ulit na lang ang nangyayari sa atin. Sabi nga sa Pugad Baboy, ang mga Pilipino laging may amnesia. Mabilis makalimot. O kung alam naman natin yung issue, hindi naman tayo nag-iisip ng tamang paraan para masolusyonan ito. Lagi na lang nating sagot e patalsikin ang nakaupo... People Power complex. Nasayang tuloy yung diwa at sincerity nung unang People Power natin.

So ano nga ba ang dapat nating gawin? Simple lang naman... Kung nagagalit tayo sa mga nakaupong opisyal, e in the first place pano ba sila nakarating sa pwesto nila??? Naging maingat at maalam ba tayo nung namimili tayo ng iboboto natin? Naging mapagmatyag ba tayo nung eleksyon para siguraduhing walang dayaan? O inisip na lang natin na, "pag hindi naman namin nagustuhan yan, ipi-People Power lang yan para mapalayas"?

In closing, nais kong ihighlight ang mensahe ni Renato Constantino sa kanyang "Miseducation of the Filipinos" (mejo off ung topic ng essay na to pero yung title lang naman ang gusto kong ihighlight. hehehe). Pinagmamalaki natin na mataas ang literacy rate natin, na magaling tayong mag-English, marami sa atin ang nakakapagtapos ng College. Ibig sabihin, hindi tayo "uneducated". Kaso lang, hindi natin alam, "miseducated" pala tayo. Matatalino tayo. Magagaling tayo. Itama natin ang ating mga pag-iisip. Tayo lang ang makakatulong sa ating mga sarili.

Comments

Popular posts from this blog

Thirty One Years Ago

My Final Fantasy III