MRT conversations
Sobrang ayaw kong mag-MRT noon. Sobrang siksikan, mainit, maingay. Lalo na pag natapat ka sa pintuan ng tren. Para kang na-gang rape sa bawat istasyon. Oo, nababasa ko ang isip mo. At hindi ang sagot ko -- Hindi pa ako naga-gang rape. "Hyperbole" ang tawag dun. Parang pag sinabi mong "ang init naman dito, parang impyerno". Hyperbole yun. Pwede ring "ang ganda talaga ni Anne Curtis, para syang isang anghel". Hyperbole na naman. Pero pag sinabi kong "Ang pogi mo naman", sarcasm naman yun.
Mabalik tayo sa usapan, sa MRT, lahat ng uri ng tao makakasalamuha mo. Babae, lalaki, matanda, bata, may ipin o wala. Meron ding mataba, payat, mabango, at may BO. Sobrang nakaka-inis yung mataba na may BO pa. Nasisiksik ka na nga, tinotorture pa ang ilong mo all the way.
Pero simula last year, hindi ko na kinasusuklaman ang MRT. Sobrang saya ko na nga ngayon pag sumasakay ako dun. Kasi hindi na "ako" ang sumasakay. Sumasakay na "kami". Hindi ko narealize na sobrang laki pala ng pagkakaiba ng mag-isa compared dun sa may kasama ka. Pag mag-isa ka kasi at meron kang naiisip, hindi mo pwedeng kausapin ang sarili mo, baka isipin nila baliw ka. At least pag may kasama ka, may makikinig na sa mga nasa isip mo... siguraduhin mo lang na hindi ka nya tutulugan.
Mula sa isang simpleng usapan, nabubuo ang isang malalim na pagkakaibigan. E isipin mo na lang kung araw-araw may usapan, e di sobrang lalim nun! Sa sobrang lalim nga, hindi ko namalayan, nahulog na pala ako (tgsh!). Pero seriously speaking, iba talaga ang nagagawa ng pag-uusap. Kahit na mga mababaw na bagay lang, siguradong may matututunan ka at makikilala mo unti-unti ang kausap mo. Malay mo, tulad ko, sa mga simpleng usapan mo pala makikilala ang taong matagal mo nang hinahanap?
Maraming pwedeng pag-usapan sa MRT. Nandyan ang trabaho, sports, at showbiz. Pwede rin ang favorite food, color, movie, book, at kung anu-ano pang bagay. Kung alam mo na lahat ng favorite nya, usisain mo naman ang buhay ng kapatid nya, tatay, nanay, aso, kapitbahay, pinsan, lolo, lola, lolo sa tuhod, at lola sa talampakan. Kung tapos na nyang ipakilala ang buong family tree nya, yung sa yo naman ang pakilala mo.
Isa rin sa mga paborito naming type of conversations sa MRT e yung "Who is?" Sample question: sino ang kakilala mong may nakakainis na mukha? Pwede rin naman yung "Rating Game". Dito, ira-rank nyo yung mga kakilala nyo according sa napiling category. Sample categories: pinakamaganda, pinakasexy o macho, pinakamabait, pinakamatalino, pinakaburaot na mukha, at pinakamalakas na utot.
Naubusan na ako ng sasabihin, inaantok na rin kasi ako. Hindi ko na naman nagawa yung dapat kong gawin. Pero ok lang, matagal na rin kasi akong hindi naka-blog. Baka amagin na yung site ko. Next time sana mas matino naman yung magawa ko. Hehehe.

Comments