Ako si Masked Rider Black
Nung bata pa ako, pangarap ko nang maging bayani. Yung tipong nagliligtas ng isang binibining nasa mapanganib na kalagayan. Tapos maiinlab yung babae sa kin, magde-date kami, tapos magkakatuluyan.
Iba't ibang eksena ng pagliligtas ang naiisip ko. Nandyan yung tatawid kunwari yung babae, tapos may dadaang isang mabilis na sasakyan, walang preno. Itutulak ko yung babae, tapos gugulong kami sa kalsada na magkayakap. Depende sa mood ko, nag-iiba-iba rin yung detalye nung eksenang ito. Pwedeng itutulak or kakabigin ko lang yung babae, tapos tatalon ako ng mataas at magta-tumbling sa may bubong ng sasakyan. Maporma akong maglalanding sa may likod, tapos kukuha ako ng bato at ihahagis sa sasakyan. Dahil ako ang bida sa kwento, papasok sa loob ng sasakyan yung bato at tatamaan sa ulo yung walanghiyang driver. Ang pogi ko naman sa paningin nung babae.
Minsan naman kunwari naglalakad ako papuntang school, tapos nasa may gate yung crush ko. Yung crush ko e anak kunwari ng maimpluwensang tao, tapos ako naman e secret agent. Habang naglalakad ako, mapapansin ko yung isang lalaki sa taas ng building sa tapat ng school namin. May mahabang baril... sniper! Nakatutok ang sniper rifle nya sa crush ko. Dali-dali akong tatakbo at haharangan ang bala. Pero lagi kong sinisigurado na sa kaliwang braso lang ako tatamaan ng bala. Kailangan kasi makapasok pa ako sa school at makahawak ng lapis. Pero bago pumasok, hahabulin ko muna syempre yung palpak na sniper. Tapos bubunutin ko yung posas sa likod ko at ilalagay sa kamay nya. Dun malalaman nung crush ko na secret agent pala ako. Tapos syempre maiinlab na yung crush ko sa kin. Ang pogi ko na naman.
Isa pang eksena ng kabayanihan ko - nasa loob daw kami ng classroom, nagtuturo yung boring kong teacher. Nasa may front row ako, nasa may third row naman si crush. Walang kaabog-abog e mababasag yung bintana sa may kanang bahagi ng classroom at papasok ang isang halimaw from outer space. Mag-pause sandali yung time tapos lalabas yung pangalan nung monster in japanese characters (parang sa masked rider black). Syempre aatras ang buong klase... maliban sa kin. Tatayo lang ako at tititigan ng masama yung monster. Pero hindi matatakot yung monster. Bagkus, mag-iingay to at maninira ng ilang upuan at mesa. Sasabihin ko sa sarili ko, "sobra ka na gorgon..." tapos gagawin ko na yung elaborate posing ko. Sisigaw ako ng "Rider Chaaaaange!!!!" Tapos magiging ako si masked rider balck. Pero hindi tulad sa tv, hindi ko itatago kay crush yung secret identity ko. Nagpapasikat nga ako e. Magaganap ang isang malupitang laban (minsan, depende ulit sa mood ko, masusugatan ako, pero konti lang). Tulo laway naman sa paghanga si crush. Matatapos ang laban, mamamatay yung monster, at magiging kami ni crush.
Oo, aaminin ko, kahit na nung lumaki tumanda na ako, paminsan minsan ay nag iimagine pa rin ako ng ganito. Siguro KSP lang talaga ako, pero iba kasi ang feeling ng nakukuha mo yung atensyon ng isang taong mahalaga sa yo.
Sa paglipas ng panahon, natagpuan ko ang isang babaeng nais kong alayan ng mga pangarap kong ito. Ngunit taliwas sa mga eksena sa aking imagination, ang pagmamahal pala ay hindi nakukuha lamang sa iisang engrandeng kaganapan. Kinakailangan pala nito ng tuloy-tuloy na interaction sa pagitan ng dalawang taong nagkakagustuhan. Maaring hindi bigatin ang mga eksena sa bawat araw, ang mahalaga ay mabigyan at maipakita ang pagpapahalaga sa isa’t-isa sa mga simpleng salita at gawa. Hindi ko rin pala kailangang maging secret agent, mag-tumbling sa bubong ng sasakyan, o sumagupa ng mga monsters from outer space. More than being the “perfect” person, mas importante pala yung ma-meet mo yung perfect match para sa yo.
Sobrang pinagpala ako sapagkat natagpuan ko na ang perfect match ko. Ngayon, hindi ko na kailangang mangarap, at hindi ko na kailangang sumigaw ng “Rider Chaaaaange!!!!”. Hindi ko na nanaisin pang maging iba, sapat na na makasama ko sya.
I love you mahal kong kambal! Happy Valentines!

Comments
basta eto lang, 100% ng happiness na nafifeel ko ngayon ay dahil sayo. sobrang pasasalamat ko kay Lord dahil binigay ka niya sakin. i acknowledge that you may not be mine as much as you are His, but i thank Him for picking me, among the 6 billion people in this world, to be the one to take care of you. i love you so much!