Dream
Sa paglalim ng gabi, sa pagsilip ng buwan
Ikaw ang laman ng aking isipan
Hinahangad na iyong mahagkan
Sa mahimbing na tulog, ako'y iduyan
Sa panaginip, ako'y iyong samahan
Saglit na lisanin ang mundo ng kaguluhan
Hawak-kamay na lumipad sa kalangitan
Damhin ang malamig na patak ng ulan
O di kaya'y magtampisaw sa dalampasigan
Na may palubog na araw sa ating likuran
At sa ating mukha dumarampi ang amihan
Habang isa't-isa'y ating hinahagkan
Kambal kong mahal, wala nang hihilingin pa
Kung sa pagtulog at pag gising, ikaw ay makasama
Ikaw ang laman ng aking isipan
Hinahangad na iyong mahagkan
Sa mahimbing na tulog, ako'y iduyan
Sa panaginip, ako'y iyong samahan
Saglit na lisanin ang mundo ng kaguluhan
Hawak-kamay na lumipad sa kalangitan
Damhin ang malamig na patak ng ulan
O di kaya'y magtampisaw sa dalampasigan
Na may palubog na araw sa ating likuran
At sa ating mukha dumarampi ang amihan
Habang isa't-isa'y ating hinahagkan
Kambal kong mahal, wala nang hihilingin pa
Kung sa pagtulog at pag gising, ikaw ay makasama